21 OFW pa mula Syria balik-Pinas bukas

KARAGDAGANG 21 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Syria ang nakatakdang dumating bukas, Mayo 8.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), lulan ang mga OFW ng Emirates Airlines flight EK 332 at nakatakda itong lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bandang alas-3:55 ng hapon.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,413 OFW ang nailikas na ng pamahalaan sa Damascus simula nang ipatupad noong Disyembre ang sapilitang pagpapauwi sa mga kababayan dahil sa walang humpay na kaguluhan sa Syria.

Muli ring umapela si Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez sa mga Pilipinong may kamag-anak sa Syria na sabihan ang kanilang mga mahal sa buhay na bumalik na sa Pilipinas dahil sa patuloy ang pagtaas ng tensyon sa nasabing bansa.

Ayon pa kay Hernandez, ang pagpapalikas sa mga OFW ay bunsod na rin ng ginawang aksyon ng mga honorary consul ng Pilipinas sa Aleepo at Homs, kung saan nakipag-usap ang mga ito sa amo ng mga OFW upang mabigyan ng permisong makalabas ng Syria.

Inabonohan din ni Philippine Honorary Consul to Aleppo Mohamad Wassim Nanaa ang pamasahe sa eroplano ng mga OFW.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply