22 SK chairman na-food poison sa Palawan

DALAWAMPUT DALAWANG Sangguniang Kabataan (SK) chairman mula sa Metro Manila  ang itinakbo  sa pagamutan sa Palawan matapos ma-food poison kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat, isinugod sa Palawan Adventist Hospital sa Puerto Princesa City ang mga SK Chairmen, 14 sa sa kanila ay galing sa Parañaque; 7  mula sa  Malolos, Bulacan; at isa sa  Marikina City.

Sa pagsusuri ng mga doktor sa nasabing pagamutan, lumalabas na malaki ang posibilidad na na-food poison ang mga biktima ng kanilang kinain kagabi, May 21.

Nabatid na Lunes pa lamang ng gabi ay nagsimula nang dumaing ng pananakit ng tiyan ang mga batang LGUS na dumalo sa SK Luzon Island Congress.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga manggagamot kung ano ang nakalason sa mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply