23 bagitong Pinoy tankers, sasabak sa Indonesia

MAKIKIPAGSABAYAN ang may 23 bagitong swimmers kontra  de kalibreng tankers sa rehiyon sa idaraos na 36th Southeast Asia Age Group Swimming Championship mula Hunyo 1 hanggang 3 sa Palembang, Indonesia.

Kakampanya sa pangunguna ng Palarong Pambansa standout na si Raissa Gavino kasama sina national youth pool members Courtney Gray, Arianna Herranz at Colleen Simbulan sa naturang event.

Nakadale si Gavino ng anim na gold medal sa elementary division ng Palarong Pambansa na idinaos sa Lingayen, Pangasinan.

Bilib si national team coach Archie Lim sa magagawa ng kanyang mga alaga na para sa kanya’y siyang papalit sa mababakanteng pwesto sa national team sa hinaharap.

Mapapalaban si Joshua Benzi-Co Yang na nakadale ng gold medal sa kanyang dibisyon sa Palarong Pambansa.

Ang iba pang miyembro ng national team ay sina Regina Castrillo, Roxanne Yu, Kirsten Daos, Coleen Limsui, Maurize Dabi, Thea Caluma, Shannen Ng, Roxine Kee, Andrae Pogiongko, Jose Mari Arcilla, Alfonso Bautista, Gabriel Flores, Jeremy Lim, Rafael Sta. Maria, Joshua Taleon, John Jeric Santos, Mark Joseph Rominquit at Ianiko Limfilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply