23 OFWs mula Syria balik-Pinas na

NAKATAKDANG dumating  bukas ng gabi, Mayo 22, ang 23 OFW na pawang mga kababaihan mula sa bansang Syria.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) bukas ng alas 9:55 ng gabi, sakay ng Emirate Airlines flight EK334 ang 23 OFW.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,489 OFWs ang nakabalik na sa bansa simula ng ipatupad ng Pilipinas ang sapilitang pagpapalikas sa mga kababayan sa Damascus.

Pito sa darating na OFW ay mula sa bayan ng Homs, habang ang 1 ang galing naman sa Hama, mga lugar kung saan naging matindi ang bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at ng mga sibilyan tumututol sa liderato ni Syrian President Bashar al-Assad.

Muli rin nananawagan si DFA Assistant Secretary Raul Hernandez sa mga Pilipinong may kaanak sa Syria na humukin ang kanilang mga mahal sa buhay na bumalik na sa Pilipinas dahil walang katiyakan kung kilan manunumbalik ang normal na sitwasyon sa nasabing bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply