27-anyos ginang todas sa pagpapa-abort

PATAY ang 27-anyos na ginang sanhi ng walang patid na pagdurugo matapos ipalaglag ang tatlong buwang sanggol sa sinapupunan sa Pasay City sa ulat ng pulisya.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital si Jay Vanessa Yamson, ng Alvarado Ext. Binondo, Manila makaraang ipalaglag sa isang nagpakilalang doktora ang dinadala sa sinapupunan na pangatlo sana niyang magiging anak.

Batay sa pahayag ng ina ng biktima na si Janet Yamson, 46,  kay SPO3 Leo Labrador, imbestigador ng Investigation Division ng Pasay police, tinawagan siya ng anak sa kanilang bahay sa 818 Cento St., Sampaloc, Manila alas-9:30 ng umaga kahapon, Mayo 17 upang magpasamang magpatingin sa isang doktora na may klinika sa Park Avenue Mansion sa Pasay city.

Pasado ala-1 ng hapon nang salubungin sila ng nagpakilalang doktora sa ika-walong palapag ng naturang condominium sa Park Avenue ay isinama sila sa Unit 817.

Hindi aniya pinapasok sa sinasabing klinika ang ina ng biktima at pinaghintay na lamang sa receiving area hangga’t isinasagawa ang medical check-up sa buntis na anak.

Ilang sandali pa’y narinig ng matandang Yamzon ang pagdaing at paghingi ng tulong ng anak kaya pinasok niya ito sa loob ng silid at nakita ang pagdurugo ng maselang parte ng katawan ng biktima.

Kaagad na isinugod ni Janet ang anak sa naturang pagamutan subalit idineklarang patay na nang idating dakong alas-3:11 ng hapon.

Nabigo naman ang pulisya na madakip ang nagpakilalang doktora matapos abandonahin na ang Unit na ginagawang abortion clinic nang puntahan ng mga pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply