27 todas sa flashflood sa Afghanistan

PATAY ang 27 katao sa naganap na flashflood sa bulubunduking bahagi ng Northern Afghanistan ngayong araw.

Ayon sa ulat, ito ang ikalawang baha na nanalasa sa bansa ngayong linggo lamang.

Batay sa ulat sa telebisyon, rumagasa ang malakas na tubig-baha bunsod nang pag-agaw ng daw at dumaloy sa ilang barangay at pinangangambahang tumaas pa ang bilang ng mga namatay.

Habang tinitipa ang balitang ito, hirap pang makapasok ang ang mga rescuer sa apektadong lugar at kinakailangan pa nilang gumamit ng helicopter.

Magugunitang binaha rin ang Sari Pul Province kung saan 21 katao ang namatay nitong nakalipas na linggo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply