3 bagets nailigtas ng PCG sa human trafficking

MAPALAD na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong menor de edad na biktima umano ng human trafficking at ipupuslit sana sa Manila North Harbor.

Base sa pahayag ni Coast Guard Action Center (CGAC) Manila, may nagbigay sa kanila ng impormasyon na may tatlong menor de dad na sakay ng MB Super Ferry 20 na parating ng Maynila mula General Santos City.

Kaagad rumesponde ang mga tauhan ng CGAC Manila, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan sa pantalan kung saan naaresto ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Denden.”

Samantala, nakilala ang mga nailigtas na biktima na sina Ember Altadon, Jenny Binobo, kapwa may edad na 17 at isang Mary Joy Binobo na pansamantalang nasa pangangalaga ng Visayan Forum Halfway House sa North Harbor na sumailalim sa debriefing.

Inihahanda naman ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply