3 bagong mahistrado sa CA itinalaga ni PNoy

MAY tatlong bagong  mahistrado ang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino lll sa nabakanteng posisyon sa Court of Appeals.

Kinalala ang tatlong hukom  na nagmula sa Regional Trial Courts na sina Renato Francisco, Maria Luisa Quijano-Padilla at Jhosep Lopez .

Nabatid na kasalukuyang hukom  sa  Malolos, Bulacan  RTC si Francisco at papalitan nito si Associate Justice Mario Guariña III.

Nagtapos si Francisco ng Bachelor of Laws sa Ateneo de Manila University at ika-17 sa 1973 Bar exams nang makakuha ng 100% rating sa Criminal Law.

Nagmula naman sa Quezon City RTC si Padilla mula 1999 at siya ang pumalit kay Justice Rodrigo Lim Jr.

Habang papalitan naman ni Lopez si Justice Estrella Perlas-Bernabe na itinalaga na sa Korte Suprema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply