3 bata na patay sa dengue fever sa GenSan

UMAKYAT na sa tatlo ang naitatalang namamatay sa dengue fever sa General Santos sa ulat ng Department of Health.

Ayon sa City Health Office (CHO), nadagdag sa listahan ang 3-anyos na babae, residente ng Labangal nasabing lalawigan,  dalawang linggo matapos namatay din ang isa pang bata sa nasabi ring sakit.

Nauna nang naitala ang isang bata na binawian din ng buhay sa isang barangay sa GenSan.

Lumalabas na mula Enero hanggang Abril 2012, mahigit sa 100 na ang nagkasakit dahil sa dengue.

Ang Barangay San Isidro ang may pinakamataas na kaso na aabot sa 16 ang nagkasakit, 14 sa Calumpang, 13 sa Labangal, 11 sa Lagao at 10 sa Apopong.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply