$3 bilyon kikitain sa medical tourism – DTI

KUMPIYANSA ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na maabot nila ang U$3 bilyong kikitain sa industriya ng  “medical tourism” sa darating na taong 2015.

Ito’y matapos na ihayag ni DTI Undersecretary at Bureau of Investment (BOI) managing head Adrian Cristobal, Jr. base sa tala ng Asian Medical Tourism Analysis 2008-2012 na inaasahang aakyat ang medical tourism sa Asya ng 18% sa pagitan ng taong 2007 at 2012.

“We aim to make the Philippines an attractive medical tourism destination. Our well trained medical staff and competitive medical services put the Philippines in a strong position to develop its medical tourism market,” ani Cristobal.

Aniya, sa kasalukuyan ang lumalakas na ang merkado ng medical tourism sa Pilipinas sa pagdami ng mga “English-speaking medical workers”, mga matataas na kalidad na mga pribadong pagamutan at tamang presyo para sa mga serbisyo.

Kaugnay nito, inaprubahan ng BOI ang P1.22 bilyong medical tourism project na Providence Hospital, Inc. (PHI) na itatayo sa Quezon City.

Sinabi ni Cristobal na accredited rin ng Department of Tourism ang PHI project na inaasahang kayang mangalaga ng 500-pasyente kada araw at lilikha ng 278 trabaho sa pag-uumpisa ng operasyon nito sa Disyembre 2012.

“The project supports the tourism department’s investment-driven strategy to increase the number of tourists and tourism revenues in the country,” dagdag ni Cristobal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply