3 binata kulong sa panghoholdap

SA PIITAN bumagsak ang tatlong binata at isang binatilyo nang holdapin ang isang dalaga sa Malabon City kagabi, Biyernes (Mayo 25).

Nakilala ang mga suspek na sina Michael Angelo Abas, 18; Jun Ray Mesa, 20; Mark Angelo Bumanlag, 19 at binatilyong edad 17, pawang taga-Paradise Village, Tonsuya ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-9:00 kagabi, naglalakad ang biktimang si Nina Carla Lim, 28 sa C. Arellano St., Ibaba ng lungsod nang salubungin at holdapin ng mga suspek.

Tinakot pa ng mga suspek ang biktima na papatayin kapag hindi ibinigay BlackBerry cellphone kaya walang nagawa ang dalaga kundi ibigay ito.

Pagkatapos makuha ang cellphone ay agad na tumakas ang mga suspek habang nakahingi naman ng tulong ang mga biktima sa mga barangay tanod.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek nang maabutan ng mga tanod at nabawi ang cellphone ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply