3 Cafgu camp pinasok ng NPA

NAPASOK ng grupo ng New People’s Army (NPA) ang tatlong Cafgu detachment ng 23rd Infantry Battalion na nasa Km. 41, Sitio Tambo, Barangay Binikalan, bayan ng San Luis, Agusan del Sur, kaninang alas-4:20 ng madaling araw

Ayon kay Maj. Eugene Osias, tagapagsalita ng 4th Infantry “Diamond” Division, Philippine Army, nagpadala na sila ng reinforcements upang tumulong sa paghabol sa mga rebelde kung saan inuna muna nila ang pag-rescue sa mga sugatan nilang miyembro at mga sibilyan.

Hindi pa nagbigay ng bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy pa ang validation ukol dito.

Nabatid na nasa loob ng detachment ang mga asawa at anak ng kanilang mga tauhan na nagkataong bumibisita nang mangyari ang pagsalakay ng NPA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply