3 Idol finalist susubukan ang tibay at galing

ISANG linggo na lang ang at final stage na ng American Idol season 11 kaya naman susubukan pa ang tibay at galing ng tatlong natitirang Idol finalist na sina Phillip Phillips, Joshua Ledet at ang pambato ng Pilipinas na si Jessica Sanchez.

Ayon sa lumabas na report sa online world ay tigatlong kanta ang aawitin ng top 3 finalist na mahahati sa tatlong kategorya. Ang isa ay ang kantang pinili ng kanilang mentor na si Jimmy Iovine, ang isa ay pinili ng mga Idol judge habang ang isa pa ay ang kanilang personal choice.

Anu-ano kaya ang mga kantang napili ng mga judge, mentor at Idol finalist?

Yan ang aabangan natin sa performance night sa Miyerkules (Huwebes ng umaga sa Pilipinas).

Sa Biyernes naman ay malalaman na natin kung sino ang magtutuloy-tuloy sa final phase at siyang magkakaroon ng chance na lumaban para masungkit ang korona ng patimpalak.

Samantala, ayon sa ulat sa telebisyon, naging successful ang homecoming ni Jessica Sanchez sa California.

Balitang dinumog ng mga otaw ang tila mini concert ng half Pinay-American-Mexican.

Batay sa ulat ay bumirit at nagpamalas ng husay si Jessica na inawit ang mga ipinanlabang kanta sa AI.

Nagsigawan at naghiyawan umano ang tao nang awitin ng 16-anyos na dalagita ang pamosong kanta ni Whitney Huston na “I Will Always Love You.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply