3 inabusong OFW sa UAE sinaklolohan

SINAKLOLOHAN ng Villar Foundation sa pamamagitan ng pagpapauwia sa bansa ang tatlong overseas Filipino workers (OFWs) mula United Arab Emirates (UAE) para wakasan ang kanilang paghihirap mula sa sinapit na pang-aabuso sa kani-kanilang amo.

Ang mga pinauwi ay sina Romely Daguplo, Joanalin Pascua at Jacquelyn Costuna bumalik sa bansa kanina lulan ng Gulf Air flight GF-154.

“Kami po ay lubos na masaya sapagkat may kakayahan kaming makatulong sa ating mga kababayan lalo na ang OFWs na mayroong dinadanas na iba’t-ibang problema sa ibang bansa. Subali’t hindi naman naming kayang tulungan ang lahat kaya ako ay nananawagan sa mga pribadong kumpanya at mga tao lalo na sa pamahalaan na magtulungan kami sa pagsaklolo sa ating OFWs,” anang Villar.

Bukod sa pagpapauwi sa bansa ng OFWs, pinagkalooban din nila ng ibang tulong ang mga ito maging ang kanilang mga kamag-anak.

Kabilang sa mga tulong na ito ay ang livelihood trainings para sa kabuhayan, medical assistance at ang pagkakaroon ng OFW summit sa pakikipagtulungan ng Go Negosyo kada taon upang sa ganoon ay mahikayat silang magnegosyo.

Si Daguplo ay umalis ng bansa noong Marso ng nakalipas na taon na hindi batid na siya ay nagdadalantao na pala at dahil sa takot sa batas ng mga Arabo ukol sa pagbubuntis ng isang babae ng walang asawa ay nagawa niyang tumakas sa kanyang amo.

Habang si Pascua ay dumanas ng paghihirap sa kanyang amo na kung saan hindi ito pinasusuweldo ng tama, sobrang trabaho, at naabuso.

Si Costuna ay umalis ng bansa patungong Dubai noong Oktubre 2011 at tumakas sa amo matapos dumanas ng pagmamaltrato at pang-aabuso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply