3 Japanese Navy ship nasa Maynila

DUMAONG na sa Philippine ports ang tatlong Japanese Navy Ships para sa limang araw na goodwill visit at upang patatagin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan.

Makikipagpulong ang mga Japanese Navy official sa mga opisyal ng Manila Police District, Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, Bureau of Customs, Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy at maging sa mga lokal na opisyal ng lungsod ng Maynila.

Ang mga navy ships na ito ay ang JS Kashima, JS Shimayuki at JS Matsuyuki na kabilang sa training ng Japanese Maritime Self-Defense Force na pinamumunuan ni Rear Admiral Hidetoshi Fuchinoue.

Inaasahang ibibigay ng Japan ang 10 sampung 40-meter patrol boats nito sa Philippine Coast Guard.

Una nang nilinaw ng PCG na huhulugan ng Pinas ang nasabing patrol boats.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply