3 Japanese training vessel bibisita sa Pinas

MAGSASAGAWA ng Goodwill Visit sa Pilipinas ang tatlong Japanese training vessel na dadaong ngayon sa bansa.

Batay sa ulat limang (5) araw ang itatagal ng nasabing pagbisita ng training vessels na naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ang tatlong training vessel ay kinabibilangan ng JS Kashima, JS Shimayuki, at JS Matsuyuki na pawang mga nasa ilalim ng Japanese Maritime Self Defense Squadron Force.

Dahil dito, nakaalerto naman ang mga tauhan ng Manila Police District, Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, Bureau of Customs, Armed Forces of the Philippine (AFP) at Philippine Navy upang salubungin ang tatlong Japanese vessels.

Naua rito, iniulat na tatanggapin ng pamahalaan ang sampung bagong patrol ship mula sa Japan bilang suporta sa tensyon sa pinag-aagawang sa Scarborough Shoal.

Ang 10 brand new patrol ship ng Japan ay bilang tulong sa pagpapalakas ng puwersa ng Pilipinas sa pagtatanggol sa teritoryo nito.

Nilinaw naman ng PCG na ipinautang ito sa bansa at inaasahang aaprubahan na ito ng National Economic Development Authority (NEDA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply