3 kelot kalaboso sa shabu sa Caloocan City

KULONG ang tatlong lalaki matapos maaktuhan sumisinghot ng shabu sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Larry Concepcion, 40; Yamashito Ollera, 25 at Ariel Narosa, 34.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na gingawang singhutan ng shabu ang bahay ni Concepcion sa Tugatog St., Bagong Barrio ng lungsod.

Ala-1:00 ng madaling araw, nilusob ng mga pulis ang bahay ni Concepcion at naabutan na sumisinghot ng shabu ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang mga paraphernalia na ginagamit sa pagsinghot ng shabu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply