3 mag-uutol nalason sa nilantakang pusit

NALASON ang tatlong magkakapatid na paslit matapos lantakan ang kinaing pusit sa Barangay Andagao, Kalibo, Aklan kaninang umaga.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang mga biktimang sina Kenneth Huyumpa, 7; Brenneth Huyumpa; 8; at ang ate nilang si April Huyumpa, 13.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-11:30 nitong Linggo ng umaga sa bahay ng magkakapatid.

Bago ito, hinainan ng nanay ang magkakapatid ng paksiw na pusit pero maya-maya lamang ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at panghihina.

Nabatid pa na ang naturang pusit ay matagal nang nakalagay sa loob ng refrigerator at ininit lamang ng kanilang ina.

Sa ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan ang mga biktima matapos agad malapatan ng lunas.

Food poisoning with severe dehydration ang findings ng mga doktor sa magkakapatid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply