3 kalaboso sa 40 gramo ng shabu

ARESTADO ang tatlo katao ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Biñan, Laguna noong  May 5, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling sina Nader Bagul, 33-anyos ng Alonus, Sto. Domingo, Biñan, Laguna at mga kasamahan niyang sina Rose Marie Despa, alias Marie, 36-anyos ng Malaban, Biñan, Laguna at Celia Hilado, 38-anyos residente rin sa Alonus Sto. Domingo, Biñan, Laguna.

Ang mga nasabing suspek ay nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office 4-A (PDEA RO4-A) sa ilalim ni Director Emerson Margate sa inilunsad na buy-bust operation sa Pacita Complex, San Pedro, Laguna matapos bentahan ng mga suspek ng may 40 gramo ng shabu ang isang PDEA poseur-buyer.

Pansamantalang nakapiit sa PDEA RO4-A ang mga nahuling suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession), Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply