3 naglaro sa baha nakuryente, patay

PATAY ang tatlong kabataan kabilang ang 14-anyos na babae matapos na makuryente habang nagtatampisaw sa baha kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Armando Bolalin ang mga biktima na sina Raul Leyva, 9-anyos, residente ng #7 Nanirahan St., Mabini JP Rizal, Mandaluyong City; Luningning Rosas at Mark Angelo Sastelo, 8-anyos, kapwa residente ng San Marcelino, Taysan, Batangas.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga sa Nanirahan St.

Nabatid na nasa kasagsagan ng buhos ang malakas na ulan nang lumabas sa kanilang bahay ang mga biktima para magtampisaw sa tubig baha nang mapahawak sa isang metal frame na nagsisilbing sampayan ng damit sa bahay ni Marcelina Mankdao, 54-anyos.

Lingid sa mga biktima, may kuryente ang sampayan kaya biglang nanigas ang mga ito.

Sina Sastelo at Rosas ay agad na naisugod sa Sta. Ana Hospital sa Sta. Ana, Maynila kung saan sila idineklarang dead on arrival ni Dr. Corpuz habang sa Mandaluyong City Medical Center dinala si Leyva at doon din idineklarang patay ni Dr. Rommel de Leon.

Inaalam pa ng pulisya kung mayroong pananagutan ang may-ari ng sampayan sa naganap na insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply