3 nawawala sa Tacloban fire, 82 pamilya apektado

TATLONG katao kabilang ang isang sanggol ang naiulat na nawawala sa sunog sa Tacloban City pasado alas-10:00 kaninang umaga (Mayo 21).

Bandang ala-1:30 kaninang hapon nang ideklarang fire-out ang malawakang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa tatlong barangay sa nasabing lungsod.

Ang Brgy. 58, Old Road Sagkahan at Barangay 60-A ang malubhang naapektuhan ng sunog na umabot na sa mahigit 82 pamilya o katumbas ng 570 katao ang apektado ng sunog.

Ayon kay Barangay 60-A Capt. Norman Mojado, sa kanilang barangay nagmula ang sunog na isang residente sa kanilang lugar ang nag-iwan ng niluluto gamit ang panggatong.

Umalis ang isang maybahay para bumili sa tindahan ngunit laking gulat nito dahil pagbalik niya ng bahay ay tumambad na sa kanya ang malaking apoy.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang nasabing insidente at pinaghahanap pa ang tatlong biktima na hindi nakuha ang mga pangalan.

Pansamantalang ginamit bilang evacuation center ang  Tacloban City Astrodome at nagpaabot na rin ng tulong ang city government sa mga biktiman.

Samantala, inereklamo naman ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang kakulangan ng tubig sa lungsod na isa rin sa mga itinuturong dahilan kung bakit hindi agad naapula ang apoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply