3 OFW na bibitayin sa Malaysia binigyan ng pardon

NABIGYAN ng pardon ng Malaysian government ang tatlong overseas Filipino worker (OFW) na nakatakda sanang bitayin sa naturang bansa.

Batay sa natanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tatlong Pinoy ay kinilalang sina Basir Omar, Jaliman Salleh at Aldipal Hadani.

Ayon sa ulat, Mayo 22 nang magpalabas ng desisyon ang Malaysian pardons board na nagbibigay ng commutation sa sentensyang bitay kay Omar sa 13 taon at pitong buwang pagkabilanggo, samantalag ang parusang bitay kina Salleh at Hadani ay ibinaba sa 15 taong pagkabilanggo mula sa ipinalabas na desisyon noong Mayo 14 sa Kota Kinabalu.

Sina Salleh at Hadani ay naaresto noong 2008 sa Kota Kinabalu matapos mahulihan ng 867.1 grams ng marijuana sa kanilang bagahe at pinatawan ng bitay ng Sabah High Court noong Hunyo 5, 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply