3 patay sa diarrhea sa Camarines Sur

PATAY ang tatlo katao habang 20 naman ang isinugod sa ospital nang madale ng diarrhea sa may dalawang barangay sa Nabua, Camarines Sur.

Dahil dito, ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang agarang paglilibing sa mga namatay upang hindi na kumalat pa ang bakterya.

Ang kontaminadong tubig sa naturang lugar kang itinuturong dahilan kung kaya nagkaroon ng diarrhea ang mga biktima.

Magsasagawa ng water sampling ang Department of Health (DOH) at mamahagi rin sila ng mga gamot sa   barangay health centers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply