3 patay sa ngitngit ng hinuling vendor

RIZAL– Patay ang isang kawani ng Public Order and Safety Department (POSD) ng Antipolo City Government at isang police aid matapos na pagbabarilin ng gumanting vendor kaninang umaga.

Kinilala ni Antipolo City chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang mga biktima na sina Marcelo Gamboa, 42-anyos, may-asawa, nakatalaga sa Ordinance Enforcement Division (OED-POSD), residente ng Cabrera Road, Barangay San Roque at Antonio Tajobe, 56-anyos, PA na nakatalaga sa Warrant Section ng Antipolo PNP at residente naman ng Sitio Kamandag, Brgy. Sta. Cruz, kapwa ng nasabing lungsod.

Patay rin ang hindi pa nakikilalang suspek na umano’y isang Muslim vendor matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng miyembro ng Special Weapons and Tactics at Antipolo PNP.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa M. L. Quezon St., Brgy. San Roque, Antipolo City.

Nabatid na naglalakad si Gamboa mula sa kanilang opisina papunta sa city hall matapos ang clearing operation sa mga illegal vendor sa Cogeo Area nang pagbabarilin ito ng sinasabing Muslim vendor.

Agad na rumesponde ang ilang police na nakatalaga sa lugar kasama si Tajobe at natunton ang suspek sa banyo ng bahay na pag-aari ni Gloria Junio ngunit nang mapatapat ang biktima ay binaril ito sa ulo.

Ayon kay Supt. Elfa, maaaring nagalit ang suspek kay Gamboa sa pagkakakumpiska ng kanyang paninda sa isinagawang clearing operation kung kaya’t sinundan nito ang biktima at saka pinagbabaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply