3 salvage victims napulot sa Mexico, Pampanga

TATLONG bangkay ng lalaki na pawang may tama ng bala sa ulo at hinalang biktima ng salvaging ang natagpuan sa Mexico, Pampanga sa ulat ng pulisya ngayon lamang.

Sa ulat ng Pampanga PNP, inaalam pa nila ang pagkakilanlan ng tatlo na sunod-sunod natagpuan ang mga bangkay sa Barangay Kawayan, Mexico nasabing lalawigan.

Ang nasabing mga bangkay ay pawang nakapiring at nakatali ang mga kamay.

Lumitaw naman sa inisyal na imbestigasyon ng Mexico Police na maaaring biktima ng summary executuin ang tatlo subalit hindi nila inaalis ang posibilidad na itinapon lamang ang mga ito sa kanilang lugar upang iligaw ang mga imbestigador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply