3 sasakyan inararo ng trak: Driver patay

NATODAS ang isang driver nang araruhin ng isang trak na nawalan ng preno ang tatlong sasakyan sa Atimonan, Quezon kaninang alas-2:30 ng madaling-araw.

Nabatid na binabagtas ng isang Isuzu Forward truck ang diversion road sa Brgy. Santa Catalina, Atimonan nang mawalan ng preno kung kaya sumalpok ito sa mga kasalubong na sasakyan na isang Isuzu Elf truck, isang Raymond bus at isang Superlines bus.

Kaagad namang naasawi ang driver ng Isuzu Forward truck habang nasugatan ang driver at helper ng Isuzu Elf na dinala na sa district hospital ng Atimonan.

Kasalukuyan pang inaalam ang bilang ng mga sugatang pasahero ng dalawang bus na dinala sa Lucena City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply