3 ‘tulak’ ng shabu laglag sa PDEA

TATLONG pinaghihinalaang tulak ang ng iligal na droga ang nadakip ng mga anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong magkakahiwalay na entrapment operations sa Davao City, Cebu City at General Santos City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr.ang unang nadakip na si Sam M. Degayo, 28, residente sa Mintex, Datu Odin, Sinsuat Maguindanao na nahulihan ng 15 gramo ng shabu sa bisinidad ng Ecoland, Davao City.

Makalipas ang isang oras nadakip naman si Geronimo T. Rapada, 44, sa isinagawang buy-bust ng PDEA RO7 sa Barangay Buagsong, Cordova, Cebu City kung saan nakuha dito ang may tatlong sachet ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo.

Samantala, nadakip naman sa hiwalay na operasyon si Abdul A. Mama, 35, drayber ng Bulaong Village, Block 4, Brgy. Labangal, General Santos City at nakuha dito ang may 16 na gramo ng shabu at mga drug paraphernalias

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), ng Article II, of Republic Act 9165, o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na pansamantalang nakapiit sa regional headquarters ng PDEA sa kani-kanilang rehiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply