30 araw ultimatum sa mga staff ni Corona

BINIGYAN ng 30 araw ang lahat ng staff ni dating Chief Justice Renato Corona para lisanin ang Korte Suprema.

Ani ni acting PIO chief Gleo Guerra, isang buwang extension lamang ibinigay para sa mga staff ng dating punong mahistrado para ayusin at tapusin ang kanilang mga naka-pending na transaksyon.

Ito ay makaraang kumpirmahin din ni Guerra na kasamang napatalsik sa puwesto ang mga nasabing empleyado ni Corona.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply