30 bahay nilamon ng apoy sa Parañaque

TINATAYANG mahigit sa 30 bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa Piyo de Jesus riverside, Barangay Tambo, Parañaque City, kaninang tanghali

Ayon kay Fire Sr. insp Jay-jay Sales OIC Fire Marshall Chief, nagsimula ang sunog sa lugar pasado alas-12:40 ng tanghali na umabot sa ikaapat na alarma.

Mahigit sa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog na sinasabing nag-umpisa sa bahay ng isang Roberto Buhawi.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa nasabing sunog at inaalam pa ng mga imbestigador ng Parañaque Bureau of Fire Protection ang sanhi nito.

Pasado ala-1:00 ng hapon nang maapula ang naturang sunog.

Tinatayang umabot sa kulang-kulang sa P1 milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply