30 fish pen naapektuhan ng fish kill sa Laguna

UMAABOT sa 30 fish pen ang naapektuhan ng fish kill sa Laguna.

Dahil dito mahigpit nang mino-monitor ng mga awtoridad ang naganap na fish kill sa Laguna na nakaapekto sa halos 10 tonelada ng tilapia.

Kumuha na ng water sample ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Laguna Lake Development Authority (LLDA) mula sa katubigang bahagi ng bayan ng Calamba upang alamin ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa lawa.

Sa kabuuan, tinatayang 30 fish pen ang naapektuhan ng naturang fish kill na sinasabing pagbagsak sa industriya ng pangingisda sa naturang lugar.

Una nang nagbabala ang BFAR sa mga may-ari ng fish pen na anihin na o hulihin ang kanilang mga isda hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Ang babala ay ipinahayag ni BFAR Director Asis Perez upang hindi na maulit ang fish kill sa ilang bahagi ng Luzon katulad nang naganap noong isang taon lalo na sa panahon ng tag-ulan kung kailan nag-iiba ang oxygen levels sa tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply