4-anyos nalunod sa dagat, patay

PATAY ang isang 4-anyos na batang babae habang naglalaro sa dagat na sakop ng Barangay Pasungol, Santa, Ilocos Sur.

Kinilala ang namatay na biktima na si Alyssa Laurente na residente ng Pasungol, Santa.

Batay sa nakalap impormasyon, kasama ni Alyssa ang dalawa pang bata na kapwa pitong taong gulang na pumunta sa dagat.

Nagulat na lamang ang dalawang bata nang makita na nasa malayo na ang biktima kaya humingi na sila ng tulong.

Natagpuan naman agad ang biktima at naisugod pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply