4 bagets sumambulat sa granada, 2 sugatan

PATAY ang apat na kabataan, habang dalawa pa nilang kasamahan ang malubhang nasugatan nang sumambulat ang isang nilulumot ng granada na kanilang napulot habang naliligo sa isang talon sa Surigao del Sur, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Sa report na ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr, naganap ang pagsabog kahapon ng tanghali sa Sitio Hinipaan, Brgy. Poblacion, Lingig, Surigao del Sur malapit sa Hinipaan Falls habang papauwi na ang mga biktima mula sa kanilang paliligo.

Dead on the spot sina Michael Ambus, 17, Joselito Nonong, 19, at Nelbert Banog, 15, pawang residente ng naturang lugar habang namatay naman pagdating sa Lingig Community Hospital si Aiko Mae Nonong, 12.

Sugatan naman at ginagamot na sina Camille Orillo, 11, at Jake Jay Orillo, 13, na inilipat na sa Bislig City Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga rumespondeng mga tauhan ng Lingig Police Station, lumalabas na natagpuan ang granada kahapon habang naglalaro sa naturang waterfalls at pinaglaruan hanggang sa kanilang pag-uwi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply