4 bahay naabo sa sunog sa Pandacan, Maynila

APAT na bahay ang natupok sa sunog sa isang residential area sa Brgy. 862 sa Linceo st.  Pandacan, Maynila, kaninang umaga, Mayo 25.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula alas-8:36 ng umaga at naapula bandang alas-9:13 ng umaga.

Itinuturong nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Michael Cabrera. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.

Kasalukuyan pang inaalam ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply