4 dedo sa sumabog na granada sa Surigao del Sur

APAT katao ang namatay habang dalawa naman ang nasugatan sa naganap na pagsabog ng granada sa Hinipaan Falls, Sitio Hinipaan, Poblacion, Lingig, Surigao del Sur.

Namatay doon din sina Michael Ambus, 17-anyos;  Joselito Nonong, 19 at Nelbert Banog, 15.

Binawian naman ng buhay habang isinusugod sa Lingig Community Hospital ang 12-anyos na biktima na si Aiko Mae Nonong.

Kaugnay nito, nananatiling nasa pagamutan ngayon ng Bislig City ang dalawang batang biktima na sina Camille Orillo, 11 at  Jake Jay Orillo, 13 na parehong residente sa bayan ng Lingig Surigao del Sur.

Ayon kay PSupt. Michael Gamba, tagapagsalita ng Police Reginal Office 13, naglalaro ang mga biktima sa waterfalls at isa sa mga ito ang nakakita ng hand grenade na aksidenting sumabog.

Malaki ang hinala ng awtoridad na naiwan sa lugar ang naturang hand grenade na nadampot ng mga biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply