4 judge payag pabuksan ang dollar accounts

PAYAG ang ilang mahistrado ng Korte Suprema na sumunod sa hakbangin ng punong mahistrado para mabuksan ang kani-kanilang mga dollar accounts.

Ilan sa mga nagkumpirma ngayon na papayag pabuksan ang kanilang mga dollar accounts ay sina  SC Justices Arturo Brion, Roberto Abad, Martin Villarama at Jose Perez.

Una nang hinamon ng Punong Mahistrado ang  may 188 congressmen na complainant sa impeachment trial at si Sen. Frank Drilon na pumirma sa waiver para ilabas ang kanilang mga foreign deposit accounts.

Tumutol  naman ang prosekusyon na lumagda sa waiver na inilatag ni Chief Justice Corona para bigyang – permiso ang pagbulatlat sa kanilang foreign currency deposits.

Wala kaming itinatago

Ito  ang kapwa iginiit nina Supreme Court Justice Martin Villarama at Roberto Abad kaugnay ng kanilang desisyon na lumagda rin ng waiver para mabuksan ang kanilang mga bank record.

Ayon kay Villarama ang paglagda nila ng waiver ay bilang pagtalima na rin sa prinsipyo ng transparency at sumusunod lamang sila sa naging hakbang ng Punong Mahistrado .

Sinabi rin ni Villarama  na  katunayan ay Pebrero pa nito iniutos na isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities ang Networth o SALN.

Gayundin ang pahayag ni Abad na tumutugon lamang din ito sa panawagan ng Chief Justice  para sa public accountability ng mga opisyal ng gobyerno.

Kaugnay ng pagsasapubliko ng mga dolar accounts ay una nang hinamon ng Punong Mahistratdo  sa impeachment court ang mga mambabatas na lumagda sa impeachment complaint na pumirima rin ng waiver.

Nabatid na bukod pa sa dalawang hukom ay nagpahayag na rin ng kahandaan na lumagda sa waiver sina Justices Arturo Brion at Jose Perez.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply