4 katao nagtagaan sa CamSur, 2 todas

TODAS ang dalawa katao, habang isa ang sugatan nang magtagaan ang dalawang pamilya sa Sipocot, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon, papauwi na ng bahay si Anthony Tapalla mula sa pakikipag-inuman nang barilin ng suspek na si Joseph Quimno sa Barangay Sooc Sipocot.

Nang makarating naman ang nangyari sa ama ng biktima na si Venerando Tapalla Sr., agad itong kumuha ng itak at hinabol ang suspek ngunit nabaril siya ng tatlong beses sa hita at tiyan.

Gayunpaman, kahit sugatan, nagawang gumanti ni Tapalla Sr. sa pamamagitan ng pagtaga sa ulo ng suspek na agad binawian ng buhay.

Isang Alfredo Rellama naman ang nakasaksi sa pagpaslang kay Quimno na kumuha rin ng itak at inundayan ng taga ang nakatatandang Tapalla sabay takas.

Lumalabas na matagal nang away ng dalawang pamilya ang ugat sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply