4 koponan maggigirian sa Governor’s Cup

APAT na koponan pa ang maglalaban para pag-agawan ang unang panalo sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup bukas ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Aariba sa first game ang Barangay Ginebra Kings at Air21 Express, alas-5:15 ng hapon habang masasaksihan ang laban ng Talk ‘N Text Tropang Texters at Meralco Bolts ng alas-7:30 ng gabi.

Pakay ng Ginebra, Air21, Talk ‘N Text at Meralco na makahilera sa unaha ng standings ang defending champion Petron Blaze at Rain or Shine Elasto Painters na pawang nagtarak ng unang mga panalo noong Linggo.

Sinalida ng Petron ang Powerade Tigers sa pagtatapos ng 97-83 demolisyon at nagbida sa kanilang panalo ang import na si Eddie Basden.

Tumabo ang dating National Basketball Association standout mula sa Chicago Bulls na si Basden ng 28 puntos habang nagdagdag si Alex Cabagnot ng 17 puntos.

Ang Elasto Painters naman ay umani ng 107-100 pananaig laban sa Alaska Aces para kunin ang 1-0 rekord.

Bumandera sa naturang panalo ang import na si Jamelle Cornely na may 27 puntos katuwang si Jeff Chan na may 20 puntos, Paul Lee na may 17 puntos at Ryan Arana na may 11 puntos.

Sa kabilang banda, ipaparada ng Barangay Ginebra si Cedric Bozeman laban sa import ng Air21 na si Zach Graham na inaabangan ng mga tagahanga ng dalawang koponan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply