4 Makati police sinibak na sa pwesto

SINIBAK na sa pwesto ang apat na pulis-Makati na inakusahang nagkamaling pumaslang sa founder ng isang fire volunteer group at isang tauhan nito matapos masampahan na ng karampatang kaso.

Ayon kay Makati City Police chief, Supt. Jaime Santos na ipinag-utos na ni PNP Chief, Director General Nicanor Bartolome ang pagtatanggal sa puwesto sa apat na pulis na sangkot sa pagpatay sa mga biktimang sina Ronald Infante at Gerry Almanon.

Kabilang dito sina PO2 Elmandy Arconado, PO2 Carmelo Tuzon Jr., PO3 Christopher Abeleda at SPO1 Raul Tamarion.

Nabahala umano si Bartolome nang makita ang mga lalaking naka-sibilyang gumalaw sa crime scene at umano’y nagtanim ng ebidensya base sa nakuhang video footage ng “closed circuit television (CCTV) camera” na nakatanim sa lugar ng krimen.

Tikom naman ang bibig ni Santos sa kung may pagkakasala talaga ang kanyang mga tauhan kung saan bahala na ang korte para magdetermina nito.

Kinasuhan naman ng incriminatory machination ang dalawang hindi pa nakikilalang sibilyan na kasabwat ng mga pulis sa insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply