4 pasahero ng bus hinoldap, pera at gamit nilimas

NILIMAS ng anim na holdapaer ang salapi, alahas at mahahalagang kagamitan ng apat na pasahero sa isang pampasaherong bus sa Pasay City kaninang pasado ala-una ng hapon.

Batay sa imbestigasyon, sumakay ang apat na armadong lalaki sa CEMTransport bus sa bahagi ng Roxas Boulevard.

Pagsapit sa Edsa, E Rodriquez St., Malibay nagdeklara ng panghoholdap ang mga suspek na pawang mga armado ng patalim at baril.

Tinutukan ng armas ang mga biktima na kinilalang sina Timetocles Nuera, 49; Norberto Plantilla, 48; Gerardo Sormela, 47 at Pablito Corbeta, 53.

Habang nakatutok ang armas, sapilitang kinuha ng mga suspek ang mga salapi ng mga suspek pati na ang suot na alahas at mahahalagang kagamitan.

Pagkatapos ang panghoholdap ay bumaba sa Edsa malapit sa Malibay ng nasabing lungsod ang mga suspek.

Sa pahayag ng mag biktima, nasa edad 30 hanggang 40 anyos ang anim na suspek na tumakas patungo sa Malibay flyover.

Nakilala sa photo file ng Pasay City Police Investigation Section ang mga suspek na hindi muna pinangalanan at pinaghahanap na ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply