4 patay, 15 sugatan sa flashflood sa Indonesia

APAT katao ang namatay habang 15 pa ang nasugatan sa naganap na flashflood ang isang bayan sa eastern Indonesia.

Bukod dito, ayon sa ulat ng National Disaster Mitigation Agency ng North Maluku province, may 10 katao pa ang nawawala nang rumagasa ang tubig-baha sa 11 village sa Ternate City.

Ayon sa ulat, ang flashflood ay bunsod ng magdamag na pag-ulan na naging dahilan para umapaw ang dalawang ilog na nasa gilid ng isang bulkan, hanggang sa rumagasa ang tubig na may kasamang volcanic debris.

Maliban sa mga namatay at nasugatan dalawang tulay at 15 kabahayan ang nasira.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply