400 katao apektado ng flashflood sa Zambo

TINATAYANG 400 katao at 100 kabahayan ang apektado sa flashflood mula sa ilog ng Barangay Manicahan sa east coast sa Zamboanga City.

Bukod dito, maliban sa paglubog ng mga bahay sa baha, ilang mga kabahayan din na malapit sa ilog ang inanod kasama ang kanilang mga inaalagang hayop.

Wala namang naiulat na namatay sa nangyaring flashfloods ngunit malaki ang idinulot nitong pinsala sa barangay.

Kasalukuyang nananatili sa barangay hall ng Manicahan ang mga naapektuhang residente.

Kaagad namang namudmod ng tulong ang City Social Welfare Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni Kit Barredo sa mga apektado ng flashflood partikular na ng mga pagkain.

Hindi pa batid kung magkanong halaga ang iniwang pinsala ng naturang flashfloods.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply