45th ADB meeting pre-SONA ni PNoy

MAGIGING pre-SONA ni Pangulong Benigno Aquino III ang gaganaping 45th Annual Meeting ng Asian Development Bank, na nagsimula na kanina sa Philippine International Convention Center (PICC), sa Pasay City.

Sa katunayan, sinabi ni Finance Sec. Cesar Purisima na tatalakayin sa taunang pagpupulong ng tinatayang nasa 4,000 policymakers, business leaders, academics at civil society leaders mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga repormang napatupad ng kasalukuyang administrasyon.

“It is to display the reforms and changes put in place by the government. Good governance is good economics. That’s what we want to show,” ayon kay Sec. Purisima.

Pag-uusapan din sa pulong ang global economic crisis, inclusive growth, financial safety nets at food security.

Ang Pilipinas na isa sa founding members ng ADB ay kasalukuyang host sa taunang pagpupulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply