4th Generation Honda CR-V, ang ‘Super Honda’

INILUNSAD na ng Honda Cars Philippines ang bagong edisyon ng isa sa mga best-selling SUVs sa Pilipinas-ang Honda CR-V. Ang paglabas ng bagong CR-V ang ikaapat na installment ng HCPI sa series ng mga car launching nito ngayong taon, na nagpapatunay na ang Japanese car maker ay unti-unti nang nakaka-recover mula sa sakunang sinapit ng kompanya sa Thailand noong isang taon.

Ang 4TH  generation CR-V ay itinuturing ng HCPI bilang isang “Super CR-V”-ang CR-V na hihigit pa sa mga naunang modelo nito. Lahat ng variants ng bagong CR-V ay mayroon nang Eco-Assist System—isang teknolohiyang ginagamit ng Honda sa kanilang mga top-of-the line cars na kumockontrol sa makina ng sasakyan, sa transmission, at maging ang air-con performance nito upang makasigurong matipid pa rin sa krudo ang sasakyan. Available na rin ang Cruise-Control Option sa lahat ng variants.

Isa pang high-tech feature ng bagong CR-V ay ang i-MID (Intelligent Multi-display function) technology kung saan ang isang 5-inch LCD screen at mga function buttons sa manibela ay tumutulong sa driver na ma-control ang audio/stereo at gas consumptions ng sasakyan. Mayroon din itong HFT o Hands Free Telephone Function para sa mga Bluetooth-enabled cellphones.

Gayunpaman, sa top-of-the-line 2/4L EX variant lamang available ang mga features na ito.

Ang top of the line 2.4L EX CR-V ay classified sa ilalim ng 4-wheel drive SUV at ang 2.0L LX naman ay isang 2-wheel drive. Para sa EX variant, ang 4-cyliner DOHC i-VTEC ang ginamit na makina ng Honda at para naman sa LX, ay ang 4-cyliner SOHC i-VTEC. Automatic ang parehong variants.

Ang CRV-EX ay nagkakahalaga ng Php1,655,000 habang ang CRV-LX ay Php 1,425,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply