5 araw na ‘meat holiday’ ikakasa ng pork, poultry producers

NAGBANTA ang mga magbababoy at nagmamanukan na ilulunsad nila ang lima at dalawang araw na meat holiday sakaling hindi seryosohin ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang kampanya laban sa talamak na smuggling ng karne ng baboy at manok sa bansa.

Ito ang sinabi ni Pork Producers Federations of the Phils Vice President at AGAP party list Rep. Nicanor Briones kung saan ang Bureau of Customs na raw ang sentro ng kanilang laban ngayon kontra smuggling.

Nauna nang inaksiyunan ni Secretary Proceso Alcala ang pagsibak sa puwesto kina NMIS Director Jane Bacayo at Bureau of Animal Industry Director Efren Nuestro dahil sa malalang importasyon at smuggling ng mga karne ng baboy papasok ng bansa.

Ayon sa grupo, naghihintay muna sila ng panahon para makipagdayalogo kay Pangulong Noynoy Aquino,  habang binibigyan pa nila ng isang linggo si Commissioner Biazon para magpakita ng kaseryosohan sa pamamagitan ng paghuli sa smugglers,

Batay Sa datus na kanilang hawak, umaabot sa 100 milyong kilo taun-taon o katumbas ng 12-15 container vans ng smuggled pork araw-araw ang dumadaan sa Customs.

Sakali aniyang dedmahin pa rin ni Biazon ang kanilang inihihirit ay ikakasa muli ng kanilang sektor ang limang araw na meat holiday na sasamahan na rin ng dalawang araw mula naman sa grupo ng magmamanok.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply