5 hired assassins nalagas sa Cagayan encounter

NALAGAS ang limang pinaniniwalaang hired assassins na bumubuntot sa sasakyan ng isang opisyal ng Philippine National Police sa Cagayan operayives nang kumasa sa mismong mga tauhan ng naturang opisyal nitong Martes ng hapon, Mayo 1.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay na mga suspek pero nakumpiska sa kanila ang matataas na klase ng baril sa kanilang sasakyan na Toyota Corona sedan.

Wala namang nasugatan sa mga tauhan ni Senior Supt. Alexander Rafael, deputy Director for Administration ng Cagayan Provincial Police Office (CPPO).

Sa ulat, naganap ang insidente alas-4:30 kahapon sa Barangay San Lorenzo, Lal-lo town, nasabing lalawigan.

Bago ito, napansin mismo ni Rafael na may bumubuntot na kotse sa kanilang sasakyan habang binabagtas ang national highway ng nasabing barangay.

Makaraang kutuban ay inutusan ni Rafael ang kanyang mga tauhan na parahin ang sasakyan ng mga suspek pero imbes huminto ay pinaputukan sila.

Dito na gumanti ng putok ang mga tauhan ni Rafael ikinamatay ng lima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply