5 senador perfect attendance sa impeachment trial

MATAPOS ang 43-araw na paglilitis, nakapagtala ng perfect attendance ang limang senator judge sa  impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Iniulat na kasama sa may perfect attendance ay sina Senate President Juan Ponce Enrile, Senators Tito Sotto, Franklin Drilon, Gringo Honasan at Panfilo Lacson.

Perfect attendance din, subalit may tag-isang late sina Senator Jinggoy Estrada at Lito Lapid.

Pinakamarami namang late sa paglilitis ay sina Senator Manny Villar (20), Antonio Trillanes IV (18), Sergio Osmeña III (17) at Alan Peter Cayetano (14).

Pinakamaraming bilang ng absent ay sina Senator Miriam Defensor Santiago (13), Loren Legarda (6),  Teofisto Guingona III (5) at Sergio Osmeña III (5).

Samantala, hindi naman lumiban sina Joker Arroyo, Pia Cayetano at Francis Pangilinan ngunit maraming beses silang nahuli sa impeachment trial.

Sampung beses na na-late si Sen. Arroyo; siyam na beses si Sen. Pia at tatlong beses si Pangilinan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply