5 tulak dinampot sa Taguig City

LIMANG kalalakihan na naaktuhang nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot ang dinampot ng mga elemento ng Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig City, ayon sa ipinalabas na ulat kahapon (Biyernes, Mayo 4).

Kinilala ang mga suspek na sina Ryan M. Cahanap, 28; Ramon N. Andrenasin, 28; Francisco A. Balbacal, 40; Dale Buenaventura, 37 at Muadin L. Omanday.

Ayon sa awtoridad, bago naganap ang panghuhuli ay nakipag-ugnayan muna sila sa tanggapan ng PDEA at DAID-SOTG kung saan sa pamamagitan ng marked money ay nabatid nila na nagtutulak ng “marijuana” at “shabu” ang mga suspek sa mga orbit areas ng mga ito sa naturang lungsod.

Kinumpirma ng Southern Police District Crime Laboratory na ang mga nasamsam na mga ebidensiya ay dried marijuana buds at methamphetamine hydrochloride.

Sinampahan na ng mga awtoridad ng kasong paglabag sa Sec.5 at 11 ng Article 2 ng RA 9165 ang mga suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply