50 nakapila sa posisyon ni ex-Comm. Lagman

HINDI bababa sa 50 ang nag-a-apply sa posisyong binakante ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Agusto Lagman.

Ayon kay Comelec Commissioner Elias Yusoph, kabilang sa mga aplikante ay mga Comelec insiders kasama si Law Department Director Esperanza Ladra.

Matatandaang hindi ni-renew ni Pangulong Benigno Aquino ang appointment ni Lagman matapos itong ma-bypass ng Commission on Appointments.

Una rito, inihayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na dalawa ang inirekomenda niya kapalit ni Lagman.

Ayon kay Brillantes, mas prefer niya ang isang babaeng abogado at IT expert na siyang magtutuloy sa termino ni Lagman hanggang Pebrero 2, 2018.

Maalala na umani ng atensyon si Lagman matapos nitong kontrahin ang hakbang ng Comelec na bilhin ang mga second-hand na mga PCOS machines na siyang gagamitin para sa 2013 elections.

Samantala, wala umanong kinikimkin na anumang sama ng loob si Lagman, kaugnay sa desisyon ng Pangulo na huwag ng itulak ang kanyang appointment.

Ayon sa opisyal, nauunawaan  nito ang posisyon ng Pangulo at nanatili umano ang kanyang suporta sa administrasyon.

Balakni Lagman na bumalik na lamang sa private sector para ipagpatuloy ang kanyang krusada para  sa malinis na halalaan sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply