500 kilo ng botcha nasamsam sa Divisoria

NASAMSAM ng mga awtoridad ang may 500 kilo ng botcha o double dead na karne ng baboy sa palengke ng Divisoria kaninang madaling araw, Mayo 5.

Nabatid kay Joey Cruz, pinuno ng raiding team ng Manila City Health Office, nakumpiska ang botcha sa apat na stalls sa palengke sa Divisoria na nakahanda na sanang ibenta kung hindi lamang maagap ang mga awtoridad na hulihin ang mga ito.

Wala namang nadakip na supplier o nagtitinda dahil mabilis na tumakas ang mga ito.

Isasailalim muna sa pagsusuri ang mga nahuling botcha, bago ito ilibing o hindi kaya’y ipapakain sa mga buwaya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply