521 kaso ng dengue naitala ng DoH sa Pangasinan sa 1 QTR ng 2012

NAALARMA ang Department of Health (DOH)  na posible pang paglobo ng kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan matapos na makapagtala ng 521 sa first quarter pa lamang ng taon.

Nabatid na kumpara noong 2011 ay mayroon lamang 477 ang naitalang kaso ng dengue  at ito ay tumaas ngayong taon ng halos 10 porsiyento.

Gayunpaman, ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman, kung titignan sa kanilang datos simula sa buwan ng Enero ay mas mababa ang bilang ng sakit na dengue ang naitala  kumapara noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, ang bayan ng Lingayen ngayon ang may pinakamaraming kaso ng dengue.Pumangalawa ang San Carlos at sinundan naman ng syudad ng Sta. Barbara, Binmaley, Asingan, Bayambang, Bugallon, lungsod ng Alaminos at Urdaneta.

May naitala lamang na isang namatay sa naturang sakit at nagmula ito sa bayan ng Bugallon.

Kaugnay nito, payo ng Provincial health sa mga residente sa nabanggit na mga bayan na ibayong pag-iingat at pagpapanatiling malinis na kapaligiran ang gawin upang makaiwas sa sakit na dengue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply